Bagyong Ompong patungo na sa direksyon ng Apayao at Ilocos Norte

0
67

(Please refresh for update)

Nasa bisinidad na ngayon ng Baggao, Cagayan ang Bagyong Ompong at patungo na sa direksyon ng Apayao at Ilocos Norte.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), taglay ng bagyo ang lakas ng hanging nasa 200 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong papalo sa 330 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 35 kilometro kada oras.

Signal no. 4

ILOCOS NORTE

CAGAYAN KABILANG  ANG  BABUYAN GROUP OF ISLANDS

NORTHERN ISABELA

APAYAO

ABRA

KALINGA

Signal no. 3

BATANES

SOUTHERN ISABELA

ILOCOS SUR

LA UNION

MOUNTAIN PROVINCE

BENGUET

IFUGAO

NUEVA VIZCAYA

QUIRINO

NORTHERN AURORA

 Signal no. 2

 PANGASINAN

TARLAC

NUEVA ECIJA

SOUTHERN AURORA

ZAMBALES

PAMPANGA

BULACAN

NORTHERN QUEZON  KABILANG  ANG  POLILLO ISLAND

Signal no. 1

BATAAN

RIZAL

METRO MANILA

CAVITE

BATANGAS

LAGUNA

NALALABING BAHAGI NG QUEZON

LUBANG ISLAND

MARINDUQUE

CAMARINES NORTE

Ayon sa PAGASA, asahan pa rin ngayong araw ang masungit na panahon dahil sa bagyo habang paiigtingin din nito ang habagat na magdadala ng katamtaman  hanggang sa malalakas na ulan sa      Western Visayas, Zamboanga Peninsula,  ARMM at nalalabing bahagi ng MIMAROPA at  Bicol Region.

Pinag-iingat naman ng PAGASA sa storm surge na posibleng umabot hanggang anim na metro sa   Cagayan at Ilocos Norte habang hanggang tatlong metro naman na daluyong sa Isabela.