31.3 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Bagyong Neneng napanatili ang lakas

- Advertisement -

Napanatili ng Bagyong Neneng ang lakas nito habang patuloy na kumikilos sa direksyong timog kanluran palabas ng bansa sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Huling namataan ito sa layong 150 kilometro hilagang kanluran ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometro kada oras.

Nananatili namang nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Batanes kung saan inaasahan ang minsanang malakas na pag-uulan at pagbugso ng hangin.

Habang nakaapekto naman ang trough o buntot ng Bagyong Neneng sa Babuyan Islands, Ilocos Province at Cordillera Administrative Region (CAR) na magdadala ng minsang malakas hanggang sa katamtamang lakas ng ulan.

Inaasahan namang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Neneng ngayong araw.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -