Bagyong may international name na Kong-rey posibleng pumasok sa PAR bukas o sa Martes

0
58

Lumakas pa ang tropical storm na mayroong international name na Kong-rey at ngayo’y isa nang severe tropical storm.

Ayon sa PAGASA, posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang naturang bagyo bukas ng gabi o sa martes ng umaga at tatawagin itong Bagyong Queenie.

Batay sa huling datos mula sa weather bureau, namataan ang bagyo sa layong 1,445 kilometro silangan ng Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 120 kilometro bawat oras.

Kumikilos ang Bagyong Kong-rey pa-kanluran, hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras.

Pero ayon sa PAGASA, posibleng lumakas pa ang Bagyong Kong-rey sa typhoon category sakaling pumasok na ito sa PAR.