Bagyong Mangkhut isa ng supertyphoon —JWTC

0
92

Isa ng ganap na supertyphoon habang papalapit ng Pilipinas ang bagyong may international name na Mangkhut.

Batay sa Hawaii-based US Joint Typhoon Warning Center (JTWC), nasa category 5 na ang nabanggit na bagyo.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 260 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 280 kilometro kada oras.

Sa kabila nito, hindi pa ikinukunsidera ng pagasa na isa ng supertyphoon ang Bagyong Mangkhut na papangalanang “Ompong” sa sandaling pumasok ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw.

nilinaw ng pagasa na iba ang kanilang proseso ng pagsukat sa lakas ng bagyo kumpara sa JTWC.