Sunday, April 28, 2024

Bagyong Ineng tuluyan pang lumakas — PAGASA

- Advertisement -

Tuluyan pang lumakas ang Tropical Cyclone Ineng na ngayon ay isa ng Severe Tropical Storm.

Huling namataan ang sentro bagyo kaninang 4:00AM sa layong 580 kilometers per hour (kph) silangan ng Tuguegarrao, Cagayan.

May taglay itong lakas ng hanging umaabot sa 95 kph malapit sa gitna at pagbugso ng hanging umaabot sa 115 kph.

Kumikilos ngayon ang bagyong Ineng pa-hilaga, hilagang-kanluran sa bilis na 20 kph.

Patuloy naman nitong hinahatak ang habagat.

Isinailalim na sa Tropical Cyclone Signal No. 2 ang ilang lugar sa Luzon bunsod ng paglakas ng bagyong Ineng.

Nakataas ang Tropical Cyclone Signal No. 2 sa Batanes kung saan aasahan na ang pagbugso ng hanging may lakas na 60 kph – 120 kph.

Samantala, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Signal No. 1 sa Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Isabela at Apayao.

Asahan naman sa mga naturang lugar ang pagbugso ng hanging may lakas na 30 kph – 60 kph.

Nagtaas naman ng gale warning ang PAGASA sa silangang baybayin ng central at southern Luzon at sa Visayas kaya’t hindi pinapayagang pumalaot ang mga mangingisda at mga maliliit na sasakyang pandagat.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -