Bagyong Ineng nasa labas na ng bansa

0
53

Nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR si tropical storm Ineng.

Sa monitoring ng PAGASA, tuluyan nang nag-landfall kagabi si Bagyong Ineng sa bansang Taiwan.

Bumilis si Bagyong Ineng matapos itong lumabas ng Pilipinas alas 6:00 ng gabi, kagabi.

Ngayong nakalabas na ng PAR ang bagyo, wala nang ibang namataang tropical cyclone wind signal ang PAGASA saan mang panig ng bansa.

Matatandaang malalakas na pag-ulan ang ibinuhos ni Bagyong Ineng sa malaking bahagi ng Luzon partikular na sa Ilocos Norte.