Nasa ikatlong araw na ang “World War II Victory Caravan: Cordillera Historical Journey” na inilunsad ng Department of Tourism – Cordillera. Sinabi ni DOT – CAR Director Jovita Ganongan, ang naturang gawain ay isang pagkilala sa kontribusyon ng mga Igorot sa panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig.
Nais ng makasaysayang paglalakbay na ipakita ang mga mahahalagang lugar o land mark sa lungsod ng Baguio, at sa probinsiya ng Benguet, Mountain Province, at Ifugao. Ipinaliwanag ni Ganongan, ang mga naglalakbay ay kinabibilangan ng mga tour operators, educators, mga students, kinatawan ng mga media, ang mga mahihilig sa kasaysayan ng ating bansa at maging ang nasa larangan ng Turismo.
Sinabi ni DOT-CAR Regional Director na hangad ng Victory Caravan, na magtatapos sa Kiangan, Ifugao, na kung saan ang “Tiger of Malaya” na si Gen. Tomoyuki Yamashita ay nahuli noong kasagsagan ng ikalawang digmaang pandaigdig upang ipakita ang kahalagahan ng naturang lugar upang isang pasyalan. Nagsimula ito noong Miercules Oktubre a 25 at nagtapos ang naturang gawain noong Sabado Oktubre a 28, 2023.
Ang naturang paglalakbay ay nagnanais ipakita ang mga bagong lugar bilang pasyalan ng mga bisita at turista, mapa lokal man o banyaga.
(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of DOT – CAR)