Makakaasa ang mga gumagamit ng tubig sa ilalim ng Area 3 ay makakadama ng mas magandang serbisyo ng tubig mula sa Baguio Water District sapagkat binuksan na nito ang Gibraltar Parallel Deepwell noong nakaraang buwan lamang. Dahil sa naturang pagbubukas ng naturang Deepwell, ang mga gumagamit ng tubig sa Zones 4 at 5 na may kabuang 3,000 active connections sa kanluraning bahagi ng lungsod ng Baguio at ang mga nakapaligid na lugar dito ay makakaranas ng 3 hangang apat na beses sa isang linggo ng skedyul ng tubig mula sa dalawang beses sa isang linggo, epektibo noong Oktubre a 26 ng taong ito. Dahil dito, mababawasan na rin ang load ng Busol Tiptop Deepwell at sa Pacdal na nagbibigay serbisyo sa mga naninirahan sa Pacdal, Ambuclao, Gibraltar, North Outlook Drive, Leonardwood, at Navy Base.
Ang pagbubukas ng nasabing deepwel l ay magdudulot ng pagpuno ng mga tangke ng Ambiong at Lovena na maaring magbigay ng tubig sa Upper General Luna, Assumption Road, at Session Road.
Nagpahayag naman ng kasiyahan si BWD General Manager Engr. Salvador M. Royeca na ang nasabing pagbubukas ng Gibraltar Deepwell ay isang testamento ng BWD sa patuloy na pagpapabuti ng iba’t ibang pasilidad nito, magbigay ng kahusayan at masiyahan ang pangangailangan ng mga gumagamit ng tubig mapa residential man o mapa commercial.
Samantala, ang mga gumagamit ng tubig ay hinihikayat na patuloy pa rin na magtipid ng tubig kasama rito ang paggamit ng timba at ang paggamit ng tabo kaysa gumamit ng shower tuwing maliligo. Gumamit na lamang ng palanggana sa paghuhugas ng mga pinggan at baso kaysa gumamit ng tubig mula sa bukas na gripo. Gumamit na lamang ng gamit na pinaglabhan na tubig upang ipangdilig sa mga halaman at maging sa paglilinis ng kapaligiran.
(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office)