Baguio: Tollgate fee sa Halsema Mayor ng Tublay pabor na matanggal

0
0

Tublay, Benguet Province – Si Mayor Armando Lauro, Municipal Mayor ng Tublay Benguet ay pabor sa pagtanggal sa pagkollekta ng tollgate fee sa Acop, Caponga, Tublay.

Visit RPN DZBS Baguio

Nakatayo sa sinasakupang ni Mayor Lauro sa Tublay, Benguet, ang tollgate na dinaraan ng mga sasakyan papunta sa norte ng Benguet at sa Mt Province. May pinila na sa kamara batas na mag aalis nito   sina Congressman Eric Yap  ng Benguet at Congressman Maximo Dalog  Jr. na kung ito’y mabigyan ng halaga, ang pag-alis ng tollgate fee na makollekta  sa halsema highway at saka sa Kennon road, Tuba, Benguet.

Sabi ni Mayor Lauro na ngayon natapos at sementado na ang halsema highway puede na itong pahintuin kasi ang dahilan na nagawa batas  na pagkollekta ay para maayos ang daanan. Meron din resolusyon ng Sangguninag Bayan ng Tublay sa pagsuporta sa nakapilang magiging batas sa kongreso.

Ang mga magsasaka ay nagrereklamo  sa kanilang pagbabayad  mass lalo na kung mababa ang pagbili ng kanilang gulay. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Tublay, Benguet |MPBC)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here