La Trinidad, Benguet – Ang Tatlong dating rebelde ang kusang sumuko sa mga otoridad sa rehion Coridllera mula noong Hunyo a 30 hangang Hulyo a uno ng taong ito. Ito ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa terrorismo ng PRO-CAR.
Ayon sa ulat ng Regional Tactical Operations Center ng PRO-CAR, ang tatlong dating rebelde ay dating kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Barrio.
Sa Benguet, isang rebelde ang kusang nagbalik loob na kinilala bilang isang 44-taong gulang na lalaki, isang construction worker na kusang sumuko kasama ang kalibre 38 baril na may anim na bal, isang 2.5 metro na haba ng detonation cord, tatlong piraso ng inert blasting cap at dalawang stick ng dynamita.
Samantala sa lungsod ng Baguio, isang 57-taong gulang na lalaki na manggagawa ang kusang sumuko at nagbalik ng isang Armscor Calibre 45 baril na may limang bala at isang Granada.
Sa Mountain Province, isa pang rebelde ang kusang sumuko sa batas na kinilala bilang isang 38-taong gulang na lalaki na manggagawa.
Ang kanilang pagbabalik loob ay nangyari sa pamamagitan ng pagsisikap at sa sunod sunod na pag uusap na ginawa ng iba’t ibang yunits ng PRO-CAR, Regional Mobile Force Battalion 15, Regional Intelligence Unit-14, Regional Explosives and Canine Unit-CAR, Criminal Investigation and Detection Group, PNP SAF, Philippine Army, at ng National Intelligence Coordinating Agency-CAR.
Ang mga ito ay nasa pangangalaga na ng kanikanilang operating units na may hawak ng custodial debriefing. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)
(Source: PRO-COR)
