Baguio: Tatlo sa mga wanted persons sa Itogon, nahuli ng mga pulis

0
1

Itogon, Benguet – Matagumpay nahuli ng mga tauhan ng Itogon Municipal Police Station ang tatlong lalaki na humaharap sa iba’t ibang reklamo o kaso.

Isa sa mga ito ay ang No 7. Top Most Wanted Person. Base sa report ng Itogon Police Station, dalawa sa mga nahuli ay humaharap sa kaso ng “qualified theft” habang ang isa ay humaharap sa kaso ng paglabag ng Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Base pa rin sa report, aabot sa 24, 000 pisos ang nairekommendang piyansa bawat isa sa mga suspek na humaharap ng kaso ng pagnanakaw habang 108, 000 piso ang nairekominda na humaharap ng kaso sa pag abuso. (Joel Cervantes, photo courtesy of Itogon MPS)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here