Baguio: Taniman ng marijuana, Illigal na druga at drug personalities ang ilang accomplishment sa Ikalawang linggo ng Setyembre ng PRO-COR

0
4

Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet – Nakasamsam ng illegal na druga nagkakahalaga ng mahigit sa limang milyong piso at nakaaresto ng labing isang katao sa rehion Cordillera.

Ang Police Regional Office Cordillera ay nakasamsam ng may kabuang halaga ng iligal na druga na nagkakahalaga ng P5,432,152.00 at nakahuli ng 11 hinihinalang drug personalities sa magkahiwalay na drug operasyon na isinagawa sa pagitan ng Septiyembre 10–hangang a 16, ng taong ito sa rehion.

Inulat ng PRO Cordillera Regional Operations Division na ang 11 drug personalities ay hinuli matapos na may dala ang mga ito ng kabuang 9.14 gramo ng Shabu na may halagang P62,152.00.

Apat sa mga ito ay hinuli ng mga tauhan ng Baguio City Police Office, sinundan ito ng Benguet Police Provincial Office (PPO), Abra Police Provincial Office at ng Ifugao Police Provincial Office, na may tagdadalawang huli bawat police provincial office at isa ang nahuli ng mga tauhan ng Regional Drugs Enforcement Unit.

Ang mga nahuling suspects at mga konpiskadong ebidensiya ay dinala ng mga nanghuli sa kanila himpilan habang inihahanda ang pagsampa ng kaso partikular na sa paglabag sa R.A. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, sa magkahiwalay na marijuana eradication operations, anim na lihim na taniman ng marijuana na may kabuang 200,750 piraso na ganap na laking tanim na marijuana, 500 buto ng marijuana at 40,000 pinatuyong dahon ng marijuana at fruiting tops na nagkakahalaga ng mahigit sa limang milyong piso ang nadiskubre sa probinsiya ng Benguet.

Ang lahat ng mga ito ay sinunog ng mga maykapangyarihan matapos na maidukumento at patuloy ang mga follow up operation upang makilala ang mga nasa likod nito. (Joel Cervantes/Jim Bernabe, photo courtesy of RPIO-PRO COR)

Leave a Reply