Sunday, April 28, 2024

Baguio: Suporta sa mga lokal na magsasaka sa siyudad ng Baguio binigyan ng pansin sa mga resolusyon na gawa ng mga mambabatas

- Advertisement -

Sinusuportahan ng lokal na opisyal ng Lungsod ng Baguio ang lokal na mga magsasaka sa pamamagitan ng pagkakaroon ng planong pagpapa-unlad na maaring gawin at ito ay maghahatid ng kasaganaan.

Sa ilalim ng City Resolution No. 685, Series of 2023, ang mga lokal na mga mambabatas ang nagsabi na ang naturang batas ay maaaring tumugon sa ilang isyu at problema na may kaugnayan sa pagpapa-unlad ng agrikultura sa lungsod at ang suporta ng lokal na gobyerno sa kapakanan ng mga magsasaka.

Hiniling ng Konseho sa mga naturang grupo kasama ang  Agriculture Training Institute, ang  Bureau of Plant Industry, ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ang  Bureau of Animal Industry, ang Fertilizer at  Pesticides Authority, Ang  National Meat Inspection Service, ang  National Dairy Authority at ang  Philippine Crop Insurance Corporation, na magpakita ng kanilang commitment o pangako upang mapaunlad ang pamayanang agrikultural ng Lungsod ng Baguio sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang programa at serbisyo na babagay sa mga magsasaka sa Lungsod ng Baguio.

Kasabay nito, hinikayat din ng konseho ang City Veterinary and Agriculture Office (CVAO), nakipagugnayan ito sa Department of Agriculture Cordillera upang mahikayat ang magsasaka ng lungsod na yakapin ang makabagong teknolohiya at ang tinatawag na  best agricultural practices upang mapaunlad ang agrikultura sa Lungsod ng Baguio.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -