31.8 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Baguio: Sunog sa Camp John Hay kontrolada na, BFP may paaala sa publiko upang maiwasan ang sunog

- Advertisement -

Napatay na ang sunog sa kagubatan ng Camp John Hay. Ito ay ayon sa Bureau of Fire Protection.

Nagsanib na mga pamatay sunog mula pa sa lokal na Bureau of Fire Protection –Baguio, maging ng mga water delivery services at iba pang fire fighters ng mga kalapit na bayan at ng PEZA Fire Control Unit na nakisali na rin sa pagpuksa ng sunog.

Sa kasalukuyan, ang Bureau of Fire Protection ay nagsasagawa ng hakbang upang maiwasan ang pagdiringas ng mga damo at ng mga pine needles sa kagubatan ng Camp John Hay.

Samantala, nanawagan ang Bureau of Fire Protection sa publiko na huwag na magtatapon ng upos ng sigarilyo lalong-lalo na sa kagubatan dahil posibleng ito ang maging sanhi ng sunog.

Kasabay nito ang panawagan sa madla na huwag na huwag na magsusunog ng basura sa kagubatan sapagkat maari itong maging mitsa o pagmulan ng sunog na maaring pumatay ng libu-libong puno ng Pine trees at mga naninirahang wildlife doon.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, PIO Baguio City)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -