30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Baguio: Seguridad para 2023 Barangay at SK election, Ihahanda na ng Philippine National Police

- Advertisement -

La Trinidad, Benguet – Sinisimulan na ng Philippine National Police ang assessment at evaluation sa mga hot spot areas ng iba’t ibang lugar sa ating bansa. Ito ang sinabi ni PNP Chief Police Director General Rodolfo Azurin Jr.

Ito ay bahagi ng paghahanda nila sa nalalapit na Barangay at SK election sa Oktubre sa kasalukuyang taon. Sinabi niya na naglabas na siya ng kautusan sa mga Regional Directors na bigyan nila ng pansin ang pagmomonitor ng siguridad ng mga nahalal na opisyal mula sa barangay hangang sa probinsial level kasama dito ang mga appointed officials ng lokal hangang national level.

Sinabi ni Azurin na politika man o hindi ang motibo ng pagkakapatay sa ilang barangay at appointed officials ay hindi dapat maging hadlang sa paglutas nito. Inaasahan na may mga ilan sa mga barangay leaders at political aspirants ng bansa ay hihiling muli ng security details mula sa PNP para sa sarili nilang proteksyon lalo na sa papalapit ng halalan.

Kanyang ipinaliwanag na krimen na din itong maituturing   kung ang political intention sa pagkakapatay ng mga halalal na opisyal at ito rin ay makakasira sa economic development ng isang lugar dahil sa apektado ng katiwasayan at kapayapaan ng isang lugar.

Kasabay nito, nanawagan ang hepe ng PNP sa Madla na kinakailangan ang pagkikipagtulungan upang maiwasan ang tinatawag na politically related na crimes sa ating bansa. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU La Trinidad)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -