31.1 C
Manila
Saturday, April 13, 2024

Baguio: SEC nagpalabas ng permanenting cease and desist order laban sa Casa Infini Group

- Advertisement -

Baguio City – Nagpalabas ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng permanenteng cease and desist order (CDO) laban sa Casa Infini Builders and Realty Co. Ltd., Casa Infini Realty Management Co. Ltd., at ang affiliated entities nito.

Ang permanenteng cease and desist order ay nakasaad sa petsang Octubre a 31, ng Commission En Banc na nagpatibay sa pagpapalabas ng CDO laban sa Casa Infini, na nagkakait sa motion ng naturang kompany na lift ang kautusan. 

Napag-alaman ng Commission En Banc na nagpalabas ng CDO laban sa Casa Infini noong Hunyo a 8, matapos na matuklasan ng SEC Enforcement and Investor Protection Department (EIPD) na ang naturang kompanya at ang opisyal nito ay aktibong nagbebenta ng selling securities o nagmahahalagang papel sa anyo ng investment contracts, na walang tamang secondary license mula sa SEC.

Hinihikayat umano ng Casa Infini ang publiko na mamumuhunan sa kanilang di umano ay real estate projects sa lungsod ng Baguio bilang buyer-investor o bilang partner financier.

Ang namumuhunan ay pinangangakuan umano ng garantisadong kita na mahigit na P33,000 bawat buwan sa loob ng 20 buwan na ang naturang kompanya ay nagbibigay katiyakan sa publiko na ang kanilang puhunan ay kanilang makukuha ngunit magagamit bilang pantulong pananalapi sa mga ari arian nito na pag aari, pinamamahalaan at pinapatakbo nito.

Nasasaad sa Section 8 ng Republic Act No. 8799, o ang Securities Regulation Code (SRC), na nagbabawal na magtinda o mag alok o mamahagi ng securities o mga mahahalagang papel na walang tamang secondary license mula sa SEC.

Sa kahilingan nitong ipawalang bisa CDO, sinabi ng Casa Infini na ang kanilang paghihingi nila sa mga mamumuhunan ay hindi isang scam dahil ang proyekto nito ay suportado ng lisensiya na ipinalabas ng Department of Human Settlements and Urban Development.

Kanila din ipinagkaila na gumagamit sila ng Ponzi scheme, dahil ang referral fee ay bayad mangyari at hindi ito puhunan ng bago nito partners kundi kilalaning benepisyo na bilang programa na pangnegosyo. 

Ngunit ang Commission En Banc ay ibinasura ang lahat ng argumento ng Casa Infini, nananatili ang grupo ay patuloy umanong nag aalok ng securities sa anyo ng pamumuhunan na kontrata sa publiko na walang kaukulang lisensiya. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of SEC file)

 

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -