28.7 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Baguio: Sanhi ng pagsunog ng anim na hektaryang bondok sa Tuba, Benguet, iniimbestigahan na

- Advertisement -

Tuba, Benguet – Patuloy ang pag iimbestiga ng Tuba Municipal Fire Station kung ano ang naging sanhi ng sunog sa anim na hektaryang kalawak na bondok sa Mount Kabuyao, Sto. Tomas, Poblacion, Tuba, Benguet noong December 28, 2022.

Ayon sa Tuba Municipal Fire Station, hindi marating ng mga fire truck ang lugar kung saan ang sunog ay nagmula kaya nilakad lamang ng mga bumbero ito sa loob ng isang oras.  Kanilang sinabi na naging problema nila ang kawalan ng tubig na magagamit upang mapatay ang sunog kaya napilitang silang gumamit ito ng mga dahon ng halaman doon.

Naiulat sa may kapangyarihan ang insidente alas dies bente ng umaga at naideklarang napatay na ang sunog ng mga dakong alas singko trenta ng hapon. (Joel Cervantes, photo courtesy of Tuba LGU)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -