Baguio: Sangguniang Bayan ng La Trinidad, Benguet humihiling ng pagtayo ng pansamantalang footbridge sa Pines Park, Balili

0
9

La Trinidad, Benguet – Nagpasa ang Sangguniang Bayan ng La Trinidad, Benguet ng isang   resolusyon upang hilingin sa Department of Works and Highways (DPWH) sa pamamagitan ng 1st District Engineering Office ang pagtatayo ng pansamantalang footbridge sa Pinepark dahil sa kasalukuyang isinasagawa ang pagtatayo ng tulay doon.

Kasunod ito ng reklamo at kahilingan ng mga naninirahan doon lalo na ang mga apektadong residente sa Pinespark, Balili, La Trinidad, Benguet at ng iba pang bahagi ng Lubas at Balili dahil sa kinakailangan pa nilang umikot ng malayo sa daanan upang makarating lamang sa highway.

Sana ay bigyan nila ng pansin lalo na ngayon umpisa ng tag ulan kung saan ito ay nagbibigay malaking kaabalahan sa mga naninirihan doon lalong lalo na sa mga pumapasok sa trabaho, paaralan at ang nagpupunta sa palengke.

Inaasahan din ng lokal na gobierno ng La Trinidad na agad na matutugunan ng aksyon ang kahilingan nito buhat sa DPWH. Inyong matatandaan na noong Oktobre 2022 ay naisara ang tulay ng pinespark upang umpisahan ang pagtatatayo ng kapalit na bago nitong tulay. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Brgy. Balili file)

Leave a Reply