29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Baguio: Sa pagpasok ng Typhoon Betty, DSWD-CAR, naghanda na

- Advertisement -

Baguio City – Naghahanda na ang Department of Social Welfare and Development Regional Field Office Cordillera para sa posibleng pagsalanta ng Severe Tropical Storm “Mawar” dito sa rehiyon Cordillera.

Ayon kay Regional Director Leo Quintilla, sinumulan na nila ang paghahanda sa pamamagitan ng pagpupulong sa lahat ng DSWD Field Offices noong Mayo 22 kasama nila ang Disaster Response Management Group sa pangunguna ni OIC-Underscretary Asec. Diana Rose S. Cajipe.

Tiniyak ni Dir. Quintilla na may sapat na stockpile ang mga ito para sa pagkain at non-food items ang iba’t ibang Regional at Satellite Warehouses ng ahensiya sa Cordillera.

Sa kasalukuyan ay may mga stockpile na 40,680 na mga Family Food Packs, 28,000 na Non-Food Items, P12.9 million na nakahandang pondo, ganon din nakahanda na mga Ready to Eat Foods sa lahat ng mga probinsiya na aabot sa 6,277 ang mga ito.

Ayon sa kanya, bahagi ito ng paghahanda nila sa pagmomonitor o pagsusubaybay at iparating ang impormasyon sa mga Social Welfare and Development Offices ganon din ng mga Disaster Risk Reduction Management Offices lalo na sa araw ng pagdadala ng mga relief items sa mga warehouses.

Maliban sa nasabing pagpupulong, pakikipag -ugnayan at sa pakikipag- usap nila sa Cordillera Regional Disaster Risk Reduction Management Council na pinamumunuan ng Office of the Civil Defense.

Sinabihan na nila ang lahat ng mga tauhan ng DSWD-CAR na maging alerto at maghanda sa posibleng epekto ng nasabing bagyo. (RPN-Baguio/Joel Cervantes, photo courtesy of DSWD-CAR)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -