29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Baguio: Sa mga mag aaral sa Bokod, Benguet pagkuha ng kurso na medisina isang programa ng local na scholarship na programa

- Advertisement -

Bokod, Benguet – Scholarship grant para sa mga gustong kumuha ng medisina sa Bokod, Benguet nais ng lokal na gobierno ng nasabing munisipio na ibigay. Nais ng lokal na gobierno ng Bokod, Benguet na ibigay ang scholarship grant para gustong kumuha ng medisina.

Ayon kay Bokod Municipal Mayor Thomas Wales Jr., naiparating niya ito sa Sangguniang Bayan ng Bokod kung saan plano nila mag sponsor sa pagpapatuloy ng isang mag aaral tulad ng BS bio na gustong mag aral ng medisina.

Kanyang sinabi na ang isang scholar na magtatapos bawat taon ay masisilbi din sa sarili nitong bayan upang makatulong sa mga may pangangailangang medikal.

Magkaganon man, Sinabi niya na maari rin na pumili ito kung saan niya gustong magtrabaho matapos ang dalawang taon na pagsisilbi niya sa nasabing bayan.

Inamin niya na malaki ang pangangailangan nilang manpower sa larangan ng kalusugan dahil sa dumadami ang bilang ng mga mamamayan na magkakalayo sa kanikanilang mga lugar. Sinabi niya sa sandaling na magkaroon sila ng doctor, mayroon na ring magbibigay tulong medikal sa mga barabarangay doon.

Sa kasalukuyan, ibinabahagi ng isang doctor na nagsisilbi doon maliban sa specialista na kapartner-nila mula sa Dennis Molintas District Hospital.

Samantala, kanyang idinagdag na maliban sa medisina, nais din nilang magbigay ng scholarship grant para sa mga post graduate education. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Bokod)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -