25.3 C
Manila
Tuesday, February 27, 2024

Baguio: Resulta ng pagsasagawa ng risk assessment sa iniwang minahan sa Lubo, Kibungan, Benguet hinihintay

- Advertisement -

Hinihintay na ang huling resulta ng pagsasagawa ng Environmental Risk Assessment sa abandonadong minahan ng iti Western Minolco Mining Corporation sa Lubo, Kibungan, Benguet na bilang bahagi ng Mine Rehabilitation Program Management ng Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB).

Ayon kay Engineer Alfredo Genetiano, ang hepe ng Mine Management Division iti MGB- Cordillera, sa oras na mayroong resulta ng ginawang pagaaral, ito ay kikilalanin kung anuman ang nararapat na paraan ng pagrerehabilitasyon sa dating minahan. Sinabi ni Ginoong Genetiano na isa ang Western Minolco Mining Corporation sa mga anim na kompanya ng pagmimina na sasailalim sa rehabilitasyon.

Kung inyong maaalala, ipinaliwanag ni Kibungan Municipal Mayor Cesar Molitas na noong Nobyembre 2021 ay pinayagan nila ang pagsasagawa ng assessment at survey na kinabibilangan ng baseline data gathering, konsultasion sa mga kalapit na komunidad, at ang drone survey ng mine site para sa nais na rehabilitasyon. Sinabi ng municipal mayor nalaman nila ang rehabilitasyon at hindi ibig sabihin nito ay muling maibabalik ang operasyon ng minahan doon ngunit ito ay para lamang sa pagbabalik ng productivity sa nasabing lugar.

(Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Kibungan)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -