Baguio City – Lamut, Ifugao – Nakahuli ang Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera- Ifugao Province at ang Lamut Municipal Police Station katuwang nila ang Ifugao Provincial Intelligence Unit ng isang tinatawag na tulak ng druga at ang pagkakasamsamp ng illegal na druga na nagkakahalaga ng Php10,200.00 sa pamamagitan ng pagsilbi ng search warrant sa Brgy. Pugol, Lamut, Ifugao noong araw ng Martes.
Ang suspek ay kinilala bilang si Danny Buya, 44 na taong gulang, may asawa at isang self- employed na lalaki ang nahuli sa kanyang tahanan. Bilang karagdagan, nakakumpiska din ang mga maykapangyarihan ng gamit sa druga sa kasagsagan ng raid. Sa ngayon, ang suspek ay humaharap sa paglabag ng Republic Act 9165 o sa madaling salita ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)
(Source: PRO -CAR)
