Baguio City – Inihayag ni PRO-Car Regional Police Brig. General David K. Paredo Jr. nakadiskubre ang mga pulis ng PRO-COR na may kabuang halaga na PhP1,027,000.00 ng tanim na Marijuana sa magkakasunod na operasyon sa probinsiya ng Benguet at Kalinga noong araw ng Sabado.
Sa Benguet, Sinabi ni Paredo na may 1,035 piraso ng ganap na laking tanim na Marijuana at 3,500 gramo ng pinatuyong tangkay ng Marijuana na may kasamang fruiting tops na nagkakahalaga ng PhP627,000.00 ang natagpuan ng magkatuwang na operatiba ng Kibungan Municipal Police Station (MPS), Bakun Municipal Police Station at ng iba pang yunits ng maykapangyarihan kabilang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera Administrative Region (CAR) sa apat na marijuana plantation sites sa Brgy. Kayapa, Bakun, and Brgy. Tacadang, Kibungan. Sa kabilang dako naman, sa Kalinga, Isang marijuana plantation site natamnan ng 2,000 piraso ng ganap na laking tanim na Marijuana na ang nagkakahalag ng PhP400,000.00 ang nadiskubre ng mga maykapangyarihan sa Brgy. Butbut Proper, Tinglayan.
Sinabi ni Peredo na ang mga nadiskubre ng mga ipanagbabawal na tanim ay itinala muna bako sinunog sa mismong lugar kung saan ito natagpuan habang ang iba ay dinala sa Regional Forensic Unit-CAR para masuri. Anya patuloy ang pagsasagawa ng mga operatiba sa pag iimbestiga upang matukoy ang iba pang taniman ng Marijuana sa mga kalapit na lugar at mahuli ang mga nasa likod nito. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PRO-CAR)
