Baguio: Pulis ng Mountain Province nakadiskubre ng mahigit sa sampung milyong pisong halaga ng tanim na marijuana

0
49
Mt. PPO file

Mt. Province – Nakadiskubre at sinunog ng mga pulis ng Mt Province Police Provincial Office (PPO) ang P10.8 million halaga ng tanim na marijuana plants sa isinagawang dalawang araw na operasyon kontra Marijuana sa Sadanga, Mt Province, mula Augusto a 16 hangang a 17 ng taong ito.

Ayon sa Mt Province Provincial Police Office ang naturang operasyon ay isinagawa ng mga operatiba ng Sadanga Municipal Police Station, ang 2nd Mt Province Provincial Mobile Force Company, ang Provincial Drug Enforcement Unit, ang Provincial Intelligence Unit, at ang PDEA-Mt Province naging sanhi sa pagkakadiskubre ng dalawang taniman ng marijuana sa Mount Balitoc, Brgy. Saclit, Sadanga, nataniman ng 54,000 piraso ng mga ganap na laking tanim na marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng PhP10,800,000.00.

Ang lahat ng mga tanim na marijuana ay binunot at sinunog mismo sa mga naturang lugar at ang ilan ay kinuha para dalhin sa PDEA-Mt. Province. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Mt Province PPO)

Leave a Reply