Baguio: Pulis ng Benguet nakasamsam ng 338 libong pisong halaga ng illegal na druga at pagkaaresto ng tinatawag na tulak ng druga a probisinya ng Benguet

0
16

Baguio City-Camp Bado Dangwa La Trinidad – Nakasamam ng Php338,000.00 kabuang halaga ng  illegal druga  ang Police Regional Office-CAR at nakahuli pa ng tinatawag na tulak ng druga sa magkahiway operasyon na isinagawa sa probinsiya ng Benguet noong Linggo. Ayon sa ulat mula sa  Regional Operations Division, ang magkasanib na pangkat ng  Regional Intelligence Division (RID)/Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU), Sablan Municipal Police Station (MPS), PDEG SOU-14, at  RIU-14 ang nagsagawa ng  buy-bust operation sa  Sitio Palali, Brgy Poblacion, Sablan naging sanhi ng pagkakahuli ng isang  48-taong gulang na lalaki at ang pagkakakumpiska ng hinihinalang Shabu na may bigat na 10 gramo at nagkakahalaga ng Php68,000.00. Ang suspek at ang nakumpiskang illegal na druga ay dinala sa  Sablan Municipal Police Station. Siya ngayon ay humaharap salang paglabag ng  R.A. 9165, o mas kilala bilang  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Samantala, ang mga tagapagpatupad ng batas ang nagsagawa ng pagsugpo ng Marijuana sa Sitio Proper, Brgy Tacadang, Kibungan and Sitio Matacadang, Brgy Kayapa, Bakun. Ito ay nagresulta sa pagkakadiskubre ng humigit kumulang sa  1,350 piraso ng ganap na laking  tanim na marijuana na nagkakahalaga ng Php270,000.00.Ang lahat na natagpuan na tanim na  marijuana plants ay itala at sinunog sa naturang lugar habang ang ilan sa kanila ay dinala the Regional Forensic Unit-CAR.

 

(RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Benguet PPO)

 

Leave a Reply