Baguio: Programa sa pagpapaganda ng mga tabing daan sa probinsiya ng Benguet nagtataguyod nang malusog na Benguet

0
10
photo courtesy of PIO Benguet

La Trinidad, Benguet – Binigyang diin ni Benguet Governor Melchor D. Diclas ang programa ng pagpapaganda ng mga tabing daan ang kahalagahan ng kalinisan sa paglaban sa mga sakit tulad ng dengue. Ito ay kanyang sinabi sa awarding ceremony ng Roadside Beautification Program na ilipat sa unang semestre ng taon na tumama naman sa panahon ng tag ulan at ang pagdating ng mga turista.

Anya, ito ay tamang-tama sa pagtataguyod ng kalinisan at makakadagdag pa sa gawaing pangturismo. Ang pagpasok ng munisipyo ng Itogon bilang nasa ranggong ika anim sa mga 12 sumaling munisipyo at tumanggap ng P40,000 cash prize.

Ang premyo ay tinanggap ni konsehal Lison Latawan, ang chairperson ng environment committee, kasama sila konsehal Albino Diego, Tourism Operations Officer Ferdinand Sapalong, Secretary to the Mayor Jemima Waclin, ang kinatawan ng Treasury Office na si Michael Hermosado, at ang itinalagang Public Information Officer na si Victorio Palangdan Jr.

Ang Roadside Beautification Program, ay isang taunang pagkukusa ng Provincial Tourism Office sa pangunguna ni ginoong Eleazar Carias, na humihikayat sa bawat bayan sa Benguet na maglinis at pagandahin ang mga tabing daan upang itaguyod ang kalinisan at ang turismo. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply