30.6 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Baguio: Programa na pagmamalasakit at pag asa ng DepEd-CAR naihatid sa Dalican, Elementary School, Bontoc, Mt. Province

- Advertisement -

Bontoc, Mt. Province – Pinangunahan ni Department of Education Cordillera Regional Director Dr. Estela L. Carino ang pagsasagawa ng pagmamalasakit at pag asa program sa Dalican Elementary School, Bontoc Mt. Province itong nakaraan lamang.

Kasabay nito ang pamamahagi ng iba’t ibang grocery items, rice packs at ang pangangailangang educational ng mga 125 na mag aaral ng nasabing paaralan.

Kasama ng Regional Director si School Division Office Mt. Province Superintendent Sally Ullalim sa pamamahagi ng mga kinakailangan ng mga mag aaral at ito ay sinaksihan nila Bontoc Councilor Benedict Odsey II, Dalican Punong Barangay Reynald Waking at ni Rev. Fr. Marcial Castaneda. Nagpasalamat ang Dalican Elementary School dahil sa naisama sila sa mga paaralan na kasama sa nasabing programa.

Ayon kay Regional Director Carino, ang pagmamalasakit at pag asa program ay isinasagawa upang matulungan ang mga mag aaral at masuportahan ang kanilang pag aaral. Ang nasabing programa ay una nang isinagawa sa mga iba’t ibang paaralan sa Benguet. (Joel Cervantes, photo courtesy of Cordillera Regional Office DepEd)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -