Baguio: PRO-CAR Regional Director nagbigay respeto sa mga naulila ni Patrolman John Lorenzo Togay-an sa Buguias, Benguet

    0
    12
    photo courtesy of PRO-CAR

    Baguio City – Nagbigay ng pagrespeto si PRO-CAR Regional Director PBGEN DAVID K PEREDO, JR. sa pamilya at sa alaala ni Patrolman John Lorenzo Togay-an, Jr, sa kanyang pagbisita sa lamay nito sa kanilang tahanan sa Brgy. Lengaoan, Buguias, Benguet noong Araw ng lunes.

    Sa kanyang pagbisita, nagbigay ng pag asa at suporta si PBGEN PEREDO, JR sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansial sa mga naiwang pamilya ni Patrolman Togay-an, Jr.

    Si Patrolman Togay-an, Jr ay isa sa tatlong kasapi ng Class 2022-01 “MABIDANG” namatay matapos na ang kanilang Bangka ay tumaob habang tumatawid sa Apayao River sa Calanasan, Apayao noong araw ng Biernes.

    Ang tatlong pulis ay namatay habang kanilang isinasagawa ang follow-up investigation kaugnay sa insidente ng pamamaril sa Calanasan.

    Sinabi ni Police Brig. Peredo Jr. ang dedikasyon sa tungkulin at ang pangako ng tatlong namayapang pulis sa kaligtasan ng publiko ay palaging maalala. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)

    (Source: PRO-CAR)

    Leave a Reply