Baguio: Pondo para sa mga small scale miners pinag-aaralan ng Bangko Sentral ng Pilipnas (BSP) para makatulong sa kanila

0
18
BSP Regional Director

Pinag-aaralan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kung paano nila matutulungan ang mga small scale miners sa pagkakaroon ng pondo nila sa pagmimina dito sa Rehiyon ng Cordillera. Ito ang sinabi ni BSO North Luzon Regional Director Noel Neil Malimban kasunod ng pag-amin ng karamihan sa pagmimina ng ginto at ang mga namumuhunan na hindi mga minero. Sinabi nila na maliban sa pamumuhunan ay plano din nilang magsagawa ng capacity building upang direktang makinabang ang mga minero sa sarili nilang produksyon ng ginto.

Kanyang binigyang diin na malaking tulong para sa mga small scale miners ang pagkakaroon ng pondo sa mababang porsyento na hindi na nila kinakailangan ang magkakapitalista sa kanila. Inaasahan ng mga taga Bangko Sentral na sa pamamagitan ng nasabing hakbang ay mahihikayat nila ang mga ito na magtinda ng kanilang ginto sa BSP at hindi na sa black market.

(Joel Cervantes, photo courtesy of Philippine Information Agency – PIA Cordillera)

Leave a Reply