Baguio: PNP at PDEA nakahuli ng personalidad sa druga sa probinsiya ng Abra

0
14
photo courtesy of PRO-CAR

Baguio City-Abra Province – Isang personalidad sa druga ang nahuli at nakasamsam pa ng ipinagbabawal na druga na nagkakahalaga ng  Php 42, 400.00 sa  Brgy Santa Rosa, Bangued, Abra noong araw ng linggo bilang bahagi ng operasyon kontra druga sa pamumuno ng mga pulis ng Abra at tulong mula sa  PDEA Cordillera Abra Provincial Office.

 

Ayon sa ulat ang suspek ay nagbenta ng isang sachet na naglalaman ng tinatayang 0.75 na gramo ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride, o Shabu na nagkakahalaga ng Php 5,272.00, sa kasagsagan ng operasyon. Bilang karagdagan may  5.46 na gramo ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o sa maikling salita Shabu na nagkakahalaga ng Php 37, 127.00, at isang motorsiklo ang nakuha sa naturang suspek. 

 

Ang suspek ay nasa pangangalaga ng PNP-Abra, at kaso sa paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang  Comprehensive Dangerous Drugs of 2002, ang isinampa laban sa kanya. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes/source: PRO-CAR)

Leave a Reply