26.3 C
Manila
Sunday, March 3, 2024

Baguio planong magpatayo ng gusaling pagpaparadahan pinabibilisan

- Advertisement -

Baguio City – Minamadali na ng lungsod ng Baguio ang plano nitong magpatayo ng mga ilang palapag na multi-level parking buildings upang mapunuan ang kawalan ng parking areas sa lungsod, ayon kay Mayor Benjamin Magalong.

Sa isang panayam, sinabi ni Mayor Magalong, siya ay nakipagpulong sa mga naturang opisyal upang pabilisin ang pagtatayo ng nasabing parking facilities.

Anya, mayroon na silang nakitang 13 lugar kung saan ang mga ito ay maipapatayo na kung saan 7 libong public parking slots ngunit ang kanyang sadya ay hindi kukulangin o hihigit pa sa 14 na libong parking slots.

“Sa kasalukuyan, ang lungsod ng Baguio ay mayroon lamang 2,700 public parking slots para sa tinatayang 56,000 rehistradong mga sasakyan kabilang dito ang 15,000 motorsiklo.

Upang tugunan ang kawalan, sinabi ng mayor na ang lokal na gobierno ay nangangailangan na magtalaga ng pulis trapiko at mga tagapagpatupad ng batas at paalalahanan ang mga bisita na umaakyat sa Baguio na gumamit na lamang ng pampublikong sasakyan kaysa ng kanilang pampribadong sasakyan. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PIO Baguio)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -