Saturday, May 18, 2024

Baguio: PDEA-CAR for marijuana eradication sa Cordillera tuloy tuloy

- Advertisement -

Mountain Province – Tatlong taniman ng marijuana na may kabuang halaga na 3.4 milyong piso ang natagpuan at sinira sa Saclit, Sadanga Mountain Province noong Biernes Septiyembre a 22, 2023, na resulta ng anti-illegal drug operation na magkatuwang na isinagawa ng tauhan ng Sadanga Municipal Police Station, at Natonin Municipal Police Station, PDEA Mountain Province at ng iba pang maykapangyarihan sa nasabing probinsiya.

Ang unang taniman ay natagpuan sa Sitio Witig, Saclit, Sadanga, Mountain Province na may 1, 500 na ganap na laki ng marijuana nakatanim sa tinatayang lupa na may 500 Square meters na nagkakahalaga ng 300,000 libong piso.  Ang ikalawa at ikatlong taniman ay matatagpuan sa Sitio Soyosoyan, Saclit, Sadanga. Ang pangalawang taniman ay tanim na hindi kukulangin at sosobra sa 8,000 piraso na tanim na marijuana sa isang lupa na may lawak na of 1,600 sq.m. na nagkakahalaga ng 700,000.00 ang sinira habang sa ikatlong taniman ay nakatanim na hindi kukulangin at sosobra sa sa 7,000 piraso. At ito ay nakatanim sa 500 square meters na lupa na may halaga na PhP 1, 400,000.00.

Ang lahat ng mga ito ay sinunog ng mga maykapangyarihan sa naturang lugar.  Ang kabuang ng ipinagbabawal na pananim ay 17, 000 piraso at nakatanim sa lupa na may sukat na 2,100 square meters at nagkakahalaga ng Php 3, 400,000.00. (Joel Cervantes | Jim Bernabe, photo courtesy of PDEA-CAR)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -