Friday, May 3, 2024

Baguio: Patubig sa isang paaralan natapos ng LGU-Benguet

- Advertisement -

Naglatag ng pondo ang probinsiya ng Benguet para sa paggawa ng patubig o water supply system sa Carew Elementary School sa Bulalacao, Mankayan. Ito ang tugon ni Benguet Governor Dr. Melchor Diclas sa kahilingan ng mga mag aaral at guro ng nasabing paaralan matapos na iniutos ng Dep-Ed ang face to face classes na magpatuloy.

Sa nasabing proyekto ay kabilang sa pagbili ng tangke, bomba ng tubig, transformer kasama na ang poste ng kuryente ang mga hose. Nagpasalamat ang gobernador ng Benguet sa nasabing paaralan at maging sa mga mamamayan nito upang maging matagumpay ang proyekto lalo na sa may ari ng lote kung saan kukunin ang tubig nito. (RPN-Baguio/ Joel Cervantes)

Photo credit: PIO Benguet

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img