Baguio: Panukalang ordinansia sa Farmers Loan Facility Program, naipila na sa Sangguniang Bayan ng La Trinidad, Benguet

0
5

La Trinidad, Benguet – Naipila ang isang panukala na ordinansa sa Sangguniang Bayan ng La Trinidad na may kaugnayan sa pagtatag ng farmers loan facility program. Ito ay para mayroon silang mahihiraman ang mga magsasaka na pondo para sa pagpapatayo ng green houses, Japanese elevated technology at ng ibang farm agricultural technologies na makatulong upang gumanda ang produksyon at mangprotekta sa mga tanim mula sa bagyo.

Ayon kay Councilor John Botiwey, ang may akda ng nasabing panukalang batas, marami sa mga magsasaka mula La Trinidad ang sumali sa pagsasanay sa ilalim ng Japanese exchange programs at ang mga ito ay naturuan ng Japanese farming technologies na kopyahin at gamitin sa sariling bukid.

Kung ganon man, hindi sila makapagtayo ng sarili nilang green houses at hindi agad nilang gamitin ang mga natutunan nila na teknolohiya dahil sa kakulangan ng perang pinansial.

Idinagdag ni Councilor Botiwey, makakatulong ang ordinansa sa mga magsasaka dahil sa sandaling maipasa at maaprobahan ito ay maaari ng hiraman ng pondo sa ilalim ng loan facility program ng munisipyo. (Joel Cervantes, photo courtesy of SB-La Trinidad)

Leave a Reply