33 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Baguio: Panukalang hindi isali ang mga senior citizens sa number coding scheme ipinasa sa unang pagbasa sa lokal na konseho

- Advertisement -

Baguio City – Inaprubahan na sa unang pagbasa ang panukulang ordinansiya na karagdagang pag amyenda ang Section 6 ng City Ordinance No. 1, series of 2003 o ang Baguio Number Coding Scheme na amyendahan ng City Ordinance No. 31, series of 2004 at ng City Ordinance No. 107, series of 2008.

Sa ilalim ng panukalang ordinansiya, kasama sa isinama sa hindi kasali sa pagpapatupad ng Baguio Number Coding Scheme ang mga sasakyan na nagdadala ng mga senior citizens na taga Baguio bilang driver o pasahero o mananakay papunta o mula sa medical clinic, ospital o sa lokal ng trabaho.

Sinabi ng naturang ordinansiya na nagbibigay diin sa kahalagahan ng transportation services para sa mga senior citizens upang sa ganon ay upang mapakinabangan pa sila sa kanilang bahagi sa pagbuo ng bansa at magkaroon sila ng madaliang makagamit sa serbisyong medical at sa madaliang pagkilos papunta at mula sa kanilang lugar na pinagtatrabahuhan. (Joel Cervantes/Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Public Information Office)

 

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -