Baguio: Panawagan ng Regional Director ng Comelec sa nalalapit na BSKE 2023

0
10

 

Baguio City – Nanawagan si Comelec-CAR Regional Director Atty. Julius Torres calls ng matatag na pakikipagtulungan sa PNP, AFP, DepEd, at ng iba pang kasapi ng Regional Joint Security Command Center upang itaguyod ang demokrasiya at karapatan para bomoto sa nalalapit na halalan ngayong Oktubre a 30 ng taong kasalukuyan.

Hinikayat din ni Director Torres ang lahat ng rehistradong boboto na sumali at pagbibigay diin sa papel ng mga opisyal ng barangay at maging Sangguniang Kabataan sa paghihikayat at mabuo ang maunlad na komunidad.

Ang mga hakbang na ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na halalan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan sa 30 ng buwang ito.

Sa Cordillera, may 1,094,183 rehistradong botante para sa barangay level at 367,886 rehistradong botante naman para sa SK level na boboto sa 1,405 polling centers sa rehion Cordillera para sa halalan ngayong a trente ng buwang ito.

Sa kaugnay na balita, si Baguio City Police Office City Director Francisco Bulwayan Jr. nanawagan sa publiko sa kahalagahan ng pagboto sa darating na halalan.

Kasabay nito ang kanyang panawagan sa lahat na may Liquor Ban sa araw ng halalan sa Barangay at Sangguniang Kabataan. Anya ang liguor ban ay mahigpit na ipapatupad ng mga kapulisan mula 12:01 ng umaga ng linggo, Oktubre a 29, at matatapos ito ng Oktubre a 30 ng 11:59 sa gabi.

Kanyang ipinaalala na walang liquor ban sa araw ng mga Patay o ang All Souls Day ngunit binigyang diin niya na bawal ang alak sa loob ng sementeryo.

Samantala, Kanyang ipinaalaala na ang panahon ng pangangampanya ay nag umpisa na noong Oktubre a 19 at magtatapos ito sa Oktubre a 28 ng taong ito. Sinabi rin niya na sa Araw ng halalan. 

Ang lahat ay dapat bomoto ng alas 7 ng umaga hangang alas tres ng hapon. Samantala, ang pagbibilang ng balota ay gagawin mismo sa loob ng barangay at maging ang proklamasyon ay gagawin na rin doon sa barangay kung saan naganap ang halalan.

Kanyang ibinigay ang kalatas na ito sa ginawang ugnayan sa City Hall kahapon ng hapon na dinaluhan ng mga mamamahayag at maging ng manonood sa FB page ng Baguio City Information Office. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Comelec-CAR)

 

Leave a Reply