Baguio: Pagpipinta sa STOBOSA o ang Sitio Stonehill, Botiwtiw Sadjap Balili, La Trinidad, Benguet gagawin na muli pagkatapos na mapirmahan ang MOA

0
20

La Trinidad, Benguet – Isinagawa ang paglulunsad at ang ceremonial na pagpipinta ng STOBOSA o ang Sitio Stonehill, Botiwtiw, Sadjap sa Balili, La Trinidad, Benguet.

Ayon kay Municipal Tourism Office Valred Olsim, ito ay upang mapabago muli ang pintura ng mga bahay doon sa STOBOSA na matatagpuan sa Km.3 La Trinidad, Benguet. Sa pamamagitan nito ay muling gaganda ang tingin sa bagong design ng pintura ng STOBOSA na isang pangunahing tourism attraction in La Trinidad. Sinabi ni Olsim na aabot sa 300 hillside na mga kabahayan ang mapipinturahan ng 2,000-gallon ng pintura na ibinigay ng Davies Paint Philippines na magagamit.

Sinabi niya na kasama sa mapipinturahan ang mga bahay sa kaliwang bahagi ng Stabosa o ang bahagi ng Pico. Sinabi pa rin niya na ang bagong design ay magmumula kay Chanum Foundation Solar Painter President Jordan Mang-osan at ng Tam-awan Artist Team.

Idinagdag ni Olsim na magsisimulan ang full blast painting sa susunod ng buwan ng April at inaasahang matatapos sa buwan ng Mayo.  Kung inyong matatandaan na ang STOBOSA unang napintuhan noong hunyo taong 2016.

Sa kaaugnay na balita, ang pormal na pirmahan ukol sa memorandum of agreement para sa pagkapintura muli. Ang mga pumirma ay sila La Trinidad Mayor Romeo Salda, Chanum Foundation President Solar Painter Jordan Mang-osan, Davies Paints Philippines Vice President Albert Gan Lee, Department of Tourism-Cordillera at si Balili Punong Barangay Officer-in-Charge Ceril Elio.

Ang MOA Signing ay sinaksihan nila Vice Mayor Roderick Awingan, ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, si dating DOT-CAR Regional Director Venus Tan at ang mga konseho ng   Balili Barangay. (Joel Cervantes, photo courtesy by MJ Toyan)

Leave a Reply