Wednesday, May 8, 2024

Baguio: Pagpapatayo ng bagong gusali ng munisipio sa La Trinidad, Benguet, sisimulan na

- Advertisement -

La Trinidad, Benguet – Malaking bagay ang pagtatayo ng bagong gusali ng munisipio ng La Trinidad dahil sa dumadami ang bilang ng kliente kada araw.

Ayon kay Mayor Romeo Salda, ang apat na palapag na gusali na maitatayo ay maaring gamitin bilang opisina na malawak na espasio para mga kliente nila.

Sinabi ni Salda may nakahanda ng 42 milyong piso pesos noong nakaraang taon upang maumpisahan ang pagtatayo nito at nagbigay din si Senadora Imee Marcos ng paunang 30 milyong piso para sa unang bahagi ng naturang gusali. Tiniyak ni Senadora Marcos na susuportahan niya ang pagtatayo hanggang sa matapos ang bagong gusali ng munisipio.

Matatandaan na nagpasa ang Sangguniang Bayan ng isang resolution na humihiling kay Senadora Marcos ng pondo na nagkakahalaga ng P184 milyon upang maipatayo ang bagong gusali ng La Trinidad.

Samantala, Sinabi ni Salda ang kasalukuyang gusali ng La Trinidad ay naipatayo pa noong 1956. (Joel Cervantes, photo courtesy of Mayor’s office La Trinidad)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img