Baguio: Pagkatapos ng bagyo mga magsasaka hinikayat na magsubmite ng mga nasira na pananim sa municipyo

0
10

Tuba, Benguet – Magsasaka ng mga gulay sa Tuba, Benguet hinihikayat ang magsubmite ng ulat tungkol sa mga danyos ng kanilang pananim at ng kanilang alaga.

Hinihikayat ng Municipal Agricultural Officer ng Tuba, Benguet at Mayor Clarita Sal-ongan, ang mga magsasaka ng nasabing munisipio na magsubmite ng listahan ng mga nasirang nilang pananim matapos na dumaan ang bagyong Betty itong mga nakaraang araw lamang.

Ayon kay Tuba Municipal Agriculture Officer Marlyn Cabanes, kailangan ang mga datos mula sa mga magsasaka para sa possibleng tulong na maari nilang hingiin mula sa Department of Agriculture-Cordillera o DA-CAR.

Ayon kay Cabanes, tatlo lang mula sa 13 mga barangays ang nagsumite ng kanilang paunang danyos sa mga nasirang pananim ganon din ang kanilang pinagtamnan. Ang mga barangay ay kinabibilangan ng Taloy Sur, Tadiangan at Camp 3. Ang mga wala pang ulat ay ang Barangay Ansagan, Camp 4, Camp One, Nangalisan, Poblacion, San Pascual, Tabaan Sur at Norte, Taloy Norte at Twin Peaks.

Ayon sa paunang ulat na nakuha ng opisina ng Municipal Agricuture Office, aabot sa humigit kumulang sa 151, 526.15 ng kabuuan ang mga nasira ng mga “green leafy vegetables at ang kanilang “greenhouse” na kanilang isinumite sa Barangay Taloy Sur, Camp 3 at Tadingan.

Maaring madagdagan pa ito dahil sa hindi pa kompleto ang mga naisumite na datos dahil na rin sa epekto ng matinding tag init ng panahon.

Maliban sa mga pananim, hinihikayat din ang mga magsasaka na magsumite ng danyos sa mga namatay nilang alagang hayop habang binabayo ng bagyo ang kanilang lugar. (Joel Cervantes, photo courtesy of Public Information Office Tuba)

Leave a Reply