Baguio City – Ang pagkakahuli ng 283 na katao ng metro ng kuryente o sa paglabag ng anti-pilferage law in 2023 ay nakatulong sa pagpapabuti sa pagkolekta at ang pagpapababa ng lower system loss ng Benguet Electric Cooperative (BENECO).
Ayon sa ulat ng Benguet Electric Cooperative, ang paghuli ay isinagawa ng mga tauhan ng Special Equipment at Metering Office (SEMO) noong nakaraang taon na nagresulta sa pagkakakolekta ng P8.5 million na unpaid arrears na may kasamang surcharges, at value added tax (VAT).
Sinabi ng Beneco na ang P8.5 million back-billed na halaga noong nakaraang taon ay nagpapakita ng P5 milyong pisong pagtaas kung ihahambing sa P3 milyong piso noong taong 2022.
Ayon naman kay SEMO supervisor Eng. Mario Calatan, karamihan sa mga disconnected accounts owners ang mga nahuli dahil sa illegal na pagkokonekta ng kanilang disconnected meters at kasunod nito ang pagbabayad ng mga penalties at arrears.
Nagbabala naman ang Beneco sa mga taong mapapatunayang lumabag sa Republic Act 7832 Anti-Pilferage of Electricity at Theft of Electric Transmission Lines/Materials Act of 1994 ay maaring humarap ng 12 taong pagkabilanggo o multa ng P10 hangang 20 libong piso at wala itong probasyon, ayon sa batas. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of BENECO file)