Friday, May 3, 2024

Baguio: Paghahanda sa kautusan paggamit ng face mask sa Baguio

- Advertisement -

Baguio City – Mayor Benjamin Magalong, hiniling sa City Council na maghanda na sa pagpapalabas ng bagong kautusan ukol sa paggamit ng face mask. Ayon sa punong ehukutibo ang bagong kautusan ay nararapat ng ilabas habang hinihintay ang pag sang ayon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pag gamit nito sa loob ng pangpribadong lugar tulad ng gusali at kolob na lugar.

Visit RPN DZBS Baguio

Ang kahilingan ng Punong Ehekotibo ay kanyang dinaan sa pagmamagitan ng kanyang sulat na ipinadala niya kay Vice Mayor Faustino Olowan na siyang ring presiding officer in City Council na nararapat lamang na ihanda na ang bagong kautusan tungkol sa face mask sa labas o outdoor, low risk setting para sa mga taong hindi immunocompromised.

Sinabi ni Magalong na nakahanda ang lungsod ng Baguio kung sakali at nilalayon ng Local Government Unit na matamo ang 126.53 percent full vaccination rate.

Ang lungsod ay nakapagtala na ng 121.10 percent sa pagbabakuna sa senior citizens group samantala, 26.20 percent sa mga ito ang nakatanggap second booster shots. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img