28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Baguio: Paghahanap sa pinakamabigat at pinakamatamis na strawberry naisagawa bilang bahagi ng La Trinidad Strawberry Festival

- Advertisement -

Ipinakita ng mga 48 strawberry farmers mula sa iba’t ibang barangay ng La Trinidad ang mga produkto nilang strawberries bilang bahagi sa naganap na search for the heaviest and sweetest strawberry noong Marso a onse (March 11) bilang bahagi ng gawain sa loob ng isang buwan na pagdiriwang ng Strawberry Festival. 23 magsasaka ng strawberry ang sumali sa search for the heaviest strawberry samantalang 25 naman ang para sa sweetest strawberry o ang pinakamatamis na strawberry.

Naibatay sa competition rules ang heaviest strawberry, ang lahat ng entry ay sweet charlie variety at bawat sasali ay pipili ng 15 na berries mula sa basket bilang entry at ito ay matitimbang.

Nanalo si Raymund Cho mula sa barangay Pico ng 1st place kung saan may bigat ang entry nito na 412 grams, 2nd place si Zane Irea Beang na 389 grams, 3rd place si Grenger Angcaway na ang entry ay may bigat na 382 grams at si Arthur Ambo na may timbang na 358 grams ang entry at pare-parehong mga taga barangay Betag.

Para sa sweetest strawberry competition, nabuksan sa lahat ng variety ng strawberry at ginamit ang refractometer bilang instrumento sa pagsukat ng sugar content ng mga entries. Napanalunan ni Franjon Langbis ang unang puesto o 1st place sa entry na white strawberry, pumangalawa si Segundo Balanoy, at sumunod si Milagros Gaspili at ang ika apat ay si Freda Wanas.

Ang lahat ng top winners ay nakatanggap ng certificate at cash price na 6,000 pesos; 4,500 para sa 2nd placers, 4,000 pesos para sa 3rd placers at 3,500 para sa ika 4th na lugar habang nabigyan din ng consolation prize na 2,000 pesos ang mga hindi pinalad na manalo.

(Joel Cervantes, photo courtesy of LGU La Trinidad)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -