Baguio: Pagdiriwang ng 36th Cordillera Day naganap sa Luna, Apayao; Pangulong Bongbong Marcos Jr., pangunahing bisita ngunit di nakadalo

0
7

Luna, Apayao – Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pupunta ito sa probinsya ng Apayao sa hulyo a 15 ng taong ito.

Magsisilbi ito bilang pangunahing panauhin sa main program ng ika 36th Cordillera Day celebration na gagawin sa Benvienido G. Versola Jr. Memorial Sports Center sa munisipyo ng Luna, Apayao.

Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng pagkakataon ang rehion na magsabi ng kanilang niloob kaugnay sa pagiging regional Autonomous region ang Cordillera.

Inaasahan ng mga opisyal ng rehiyon na pakikinggan ni Pangulong Marcos ng tinig ng rehiyon upang matamo ang matagal ng pangarap na maging Autonomous region ang Cordillera.

Ang tema ng pagdiririwang ng ika 36th Cordillera month ay ang “Celebrating One Resilient, Diverse and Inclusive (CORDI) Journey Towards Regional Autonomy”.

Ngunit sa masamang panahon di nakalipad ang chopper ng President, ito ang ipinahayag ni Apayao Governor Elias Bulut Jr. dahil sa hindi magandang kalagayan ng panahon sa kamaynilan.

Ayon pa sa naturang Gobernador,sinibukan ng pangulo na ibahin ang rota mula sa  Villamor airbase upang makadalo sa pagdiririwang ngunit  hindi nakayanan ng helicopter na umalis dahil na rin sa malalakas na pag -ulan sa Metro-Manila.

Subalit si Presidential Assistant for Northern Luzon Assistant Secretary Ana Carmela Ventura-Remigio ang nagbigay ng mensahe ng mahal na Pangulo. (Joel Cervantes, photos courtesy of PIA Cordillera)

Leave a Reply