Saturday, May 18, 2024

Iriga: Mahigit sa P600,000 halaga ng illegal na droga, nasamsam sa buy-bust operation sa Baao, CamSur

- Advertisement -

Sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga, arestado ang isang lalaki na kakalaya pa lang sa kulungan sa ikinasang buy-bust operation sa kasong paglabag sa RA 9165 ng mga operatiba ng Baao PNP, katuwang ang mga operatiba ng 2nd PMFC Camarines Sur, sa Zone Itaas, Brgy. Agdangan, Baao, Camarines Sur.

Bandang 10:00 ng gabi nitong Hulyo 20, 2023, sa nasambit na barangay, arestado ang suspek na si AKA “JOMAR”, 32 taong gulang, binata, taga Lower Bicutan Taguig City, matapos na ito ay maaktuhang nagbebenta ng dalawang (2) heat sealed transparent plastic sachets na may lamang pinaghihinalaang shabu (buy-bust item), sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer kapalit ng dalawampong libong piso (P20,000.00).

Sa isinagawang pagsuri sa katawan ng suspek na sinaksihan ng dalawang opisyales ng barangay at ng taga media, nakumpiska mula sa kanya ang mga sumusuniod; 1.) isang (1) pirasong genuine one thousand peso bill sa ibabaw ng ilang pirasong boodle money bilang buy-bust money, 2.) isa (1) pang heat sealed transparent plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu, at 3.) isang unsealed transparent plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang dried leaves ng marijuana.

Ang pagsaliksik, pagimbentaryo at pagmarka ng mga ebidensiya ay isinagawa sa lugar ng pinangyarihan ng buy-bust at sinaksihan ng mga mandatory witnesses na binubuo ng dalawang elected officials ng barangay at ng isang media representative.

Ang ilegal na droga na nakumpiska ay tinatayang may timbang na humigiit kumulang sa 100 gramo, o may street value na nagkakahalaga ng (P680, 000.00) pesos.

Sa kasalukuyan ang arestadong suspek at ang mga nakumpiskang ilegal na droga ay nasa pangangalaga na ng Baao Municipal Police Station habang inihahanda ang mga kasong paglabag ng RA 9165 o (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa suspek. (Jv Navarro Verdeflor Jr.)

(Source: Baao MPS CSPPO, photo credits to the owner)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -