Sinimulan ng Munisipyo ng Bontoc ang pagdiriwang ng kanilang ika–116th anibersaryo ng kanilang pagkakatatag at ang ika –20th Am-ammong sa pamamagitan ng Santa Misa at pagbubukas ng Agri-Industrial Trade Fair noong Septembre 9, 2024 ng umaga sa bakuran ng Munisipyo sa Bontoc, Mountain Province.
Sa mensahe ni Municipal Mayor Jerome B. Tudlong Jr., siya’y nanawagan sa madla na suportahan nila ang Agri-Industrial Trade Fair dahil ito ang pagkakataon ng mga lokal na magsasaka na ipakita at ibenta ang kanilang mga produkto. Naging panauhin pangdangal at tagapagsalita si Speaker Regional Executive Director ng Department of Agriculture si Atty. Jennilyn M. Dawayan. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)
Source: LGU-Bontoc
