Baguio: Pagbigay ng regalo sa isang paaralan ginawa ng kapulisan (KASIMBAYANAN) sa programa ng Singkwenta ko, tulong ko

0
5

(Baguio City) Muli na nagdala ng tulong ang tauhan ng City Mobile Force Company o ng CMFC sa ilalim ni  Police LT. COL RENNY LIZARDO sa mga napili at karapat dapat na mga estudiante ng Happy Hollow National High School (HHNHS) habang ginaganap ang Christmas Party ng mga ito kamakailan lamang.

Ito ay sa ilalim ng kanilang programa na “Singkwenta ko, Tulong ko,”. Naging possible ang nasabing programa sa tulong ni Pastor Elmer Collado, Ang Advisory Chairman at Happy Hollow National High School faculty sa pangunguna ni School Head Rey Gapasin. Ito ay kaugnay sa pagsasagawa ng KASIMBAYANAN o ang Kapulisan, Simbahan at Pamayanan sa Eskwelahan.

Bilang bahagi ng kanilang Gawain, namahagi sila ng assorted groceries sa mga CMFC scholar at 19 na napiling estudyante sa nasabing paaralan. Hangad din nilang itayo ang learning and reading park para sa mga estudyante doon.

Nagpasalamat din si  School Principal Gapasin sa  City Mobile Force Company dahil sa donasyon at pagsuporta nila sa programa sa mga estudiante roon. (RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Photo credit to CMFC Baguio City

Leave a Reply