Baguio City – Sinimula na ng lokal na gobierno ng Baguio sa pamamagitan ng City Buildings and Architecture (CBAO) ang information education campaign kaugnay sa panuntunan ng building permit na bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa illegal na struktura.
Ang CBAO ay nag umpisa ng IEC noong Huwebes, Hunyo a 15 sa barangay Camp 8 na dinaluhan ng may isang daan ng may ari ng struktura.
Ayon kay Engr. Donald Gas-ib, ang namumuno ng CBAO Investigation and Demolition Division, ang grupo ay nagtungo sa iba’t ibang mga barangay ng magkakasunod na araw upang bigyang kaalaman ang mga mamamayan ukol sa building permits.
Ito ay sa pangunguna ng CBAO at ito ay nakaangkla ng kasalukuyang administrasyon upang maiwasn ang tinatawag na urban decay sa pamamagitan ng pagtiyak na ang lahat ng bagong konstruksiyon ng mga gusali ay naisasagawa ayon sa National Building Code of the Philippines upang mapangalagaan ang forest cover o ang kagubatan ng lungsod ng Baguio. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio City)
