Baguio: Pagbenta ng bulaklak sa munisipyo ng La Trinidad, Benguet nagsimula na

0
18
photo courtesy of LTMPS

La Trinidad, Benguet – Ang mga magsasaka ng Cut flower sa Barangay Bahong, La Trinidad, Benguet ay patuloy ang kanilang pag ani ng bulaklak. Ito ang sinabi ni Dely Pulas, isang magsasaka ng bulaklak naniniwala na mawawala na ang bagyo upang makapagdeliver sila ng mga bulaklak dahil sa palapit na palapit ang Araw ng mga Santo at ang Araw ng Kaluluwa.

Sinabi ni Pulas na kanila rin na sasamantalahin ang mga tulong na ibinibigay ng pamahalaan sa mga nakalipas ng mga bagyo. Anya ‘pag may ganitong bagyo, every year ‘pag affected ang farmers, may binibigay po na tulong ang pamahalaan gaya ng fertilizers o yung mga relief ‘sa panahon ng pagbabagyo.

Sinabi din Marvin Sabela, na isang magsasaka ng bulaklak, ang supply ng bulaklak ay tamang tama lamang kung ang bagyo ay hihina o mawalawala.

Samanatala, hinikayat naman ni Bahong Kagawad Jose Cristino ang mga magsasaka na iulat sa kanila ang insidente sa local government unit upang sa ganon ay maipile at makakuha ng tugon mula sa opisina ng municipal agriculture. (RPN-Baguio, Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply