La Trinidad, Benguet – Ang mga maykapangyarihan na binubuo ng PDEA Regional Office 1, katuwang nila ang PDEA Cordillera Regional Special Enforcement Team at ng La Trinidad Municipal Police Station, ay nakadakip ng dalawang katao sa pagbebente ng anim na tangkay ng Marijuana na nagkakahalaga ng PHP 162,000.00 sa Brgy. Pico, La Trinidad, Benguet noong araw ng Sabado.
Ang mga nahuli ay kinilala sa pangalang sila Morel Vicente, 26 taong gulang, isang construction worker; at si Wakat Kilino, 40 taong gulang magsasaka, parehong naninirahan sa Brgy. Badeo, Kibungan, Benguet.
Sila ngayon ay nakapiit pansamantala sa PDEA Custodial Facility habang inihahanda ang kaso laban sa kanila sa paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)
(Source: PRO-CAR)
