Baguio: Pagbabawal ng Bases Conversion and Development Authority sa paglalaro ng golf sa Camp John Hay golf area ang mga tatlong tao

    0
    8
    photo courtesy of PIA-CAR

    Baguio City – Nagpalabas ng pampublikong abiso ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) kahapon na nagbabawal sa dating alkalde ng lungsod ng Baguio na si Atty. Mauricio Domogan at ang dalawang iba pa sa paglalaro ng golf sa loob ng  hangang sa karagdagang paunawa. Ang dalawa pang katao na tinutukoy ng BCDA ay sila Marciano Garcia at si Atty. Federico Mandapat Jr. na tumatayong abogado ng dating kompany na humahawak ng mga pag aari ng mga Sobrepena sa loob ng dating base militar ng Amerika. Si Domogan na dating nagsilbi bilang isang miyembro ng board ng dating  Camp John Hay Golf Club under CJH Development Corporation (CJHDevCo).

    Habang si Garcia na miyembro din ng  club, at si Mandapat na nagsilbi din bilang chairman ng membership committee ng dating gold club. Ang tatlong indibidual ay bahagi ng sampung shareholders ng dating  Camp John Hay Golf Club na nagsampa ng kaso laban sa  BCDA noong disyembre noong nakaraang taon na kontra sa pagkuha ng gobierno sa golf course ng CJHDevCo. Habang karamihan sa grupo ay kanila ng iniurong ang kanilang paghabla ng maaga ngayong buwan matapos magbigay ng katiyakan ang BCDA sa miyembro nito ng patas na tuntunin at ang pagpapatuloy ng mga pribilehiyo. Inaasahan na susunod din sila Domogan, Garcia at Mandapat. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes/source: PIA-CAR).

     

    Leave a Reply